HINDI nagkamali ang netizens sa unti-unting pagbabalik sa limelight ni Julia Montes.
Kelan lang ay ipinakita niyang nagbago na siya ng hairstyle. Nagpaputol ng mahabang buhok na ngayon lang niya ginawa mula nang mag-artista siya.
The other day naman ay naispatan na nagma-malling ang actress kasama ang kanyang handler.
Sa picture na ibinahagi nila sa social media ay nasa clothing department ang dalawa at mukhang mamimili ng mga kasuotan ni Julia.
Ani ng netizens, “Sabi na, eh. Kaya may pa mysterious-mysterious hype si girl kasi nga may pa-grand welcome siya sa social media c/o management niya, na deserve naman niya because of her talent.”
Marami ang nanghihinayang kay Julia dahil isa siya sa pinakamagaling nating aktres.
JESSY MENDIOLA TSUGI NA SA SANDUGO
MARAMI ang nagtatanong kung ano nang nangyari sa character ni Jessy Mendiola sa Sandugo.
Hindi na kasi napapanood si Jessy sa teleserye nina Elisse Joson, EJ Falcon at Aljur Abrenica.
Sa first two weeks ng programa ay napanonood pa namin si Jessy kung saan ang role niya ay girlfriend ni EJ at bestfriend naman ni Elisse.
Pero nang sumunod na mga linggo ay hindi na namin siya nakikita.
Tuloy may nagtatanong sa amin kung ano na ba ang nangyari kay Melai Pamintuan, ang character ng sexy actress.
Wala kaming maisagot. Pero sa ganang amin kung niligwak na ang character ni Jessy ay okey lang para mas mabigyan ng atensyon ang role ni Elisse bilang leading lady ng dalawang actor na sina EJ at Aljur.
Wala na si Jessy sa bakuran ng Star Magic. Under Viva artist na siya at si June Rufino ang tumatayo niyang manager ngayon, na manager din ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.
JC DE VERA AT NON-SHOWBIZ GF MAGPAPAKASAL NA
MASAYANG-MASAYA ang non-showbiz girlfriend ni JC de Vera dahil sa tagal na rin nilang nagsasama at nagkaroon na ng isang anak ay nag-proposed na ang actor.
Maging ang fans ng actor ay masaya para sa kanilang idolo. Si JC ang actor na napaka-pribado pagdating sa lovelife.
Hindi siya palakuwento pagdating sa mga napupusuan. Actually, nang magkaroon siya ng anak ay tahimik lang din siya.
Pero nang pinabinyagan na ang first baby niya, very proud father ang actor dahil very healthy at bibo ang anak kahit sanggol pa lang ito.
Masaya ang actor kapag nakikita niyang panay ang smile ng anak sa camera.
Very thankful din si JC dahil napakaganda raw ng values ng kanyang partner (Rikkah Cruz) maging ang pamilya nito.
Una nang sinabi ni JC sa interbyu nu’ng bagong panganak pa lang ang baby girl nilang si Lana na kapag ikinasal daw sila ni Rikkah, dapat ay may part ang anak sa kanilang wedding. Dapat daw ay naglalakad na siya.
Kaya naman sulit na rin ang paghihintay ng kanyang partner na ngayon ay ihaharap na siya sa altar ng aktor with Lana around.
Very vocal si JC sa pagkukuwento ng kanyang happy life with Rikkah and Lana.
“Ayoko silang itago. Hindi nila deserve na itago sila. They deserve all the happiness in life,” ani JC sa isang interbyu noon ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.
Noon daw ipinanganak ni Rikkah si Lana ay nag-goodbye na sa pagkabinata ang actor.
ANGELICA TO BEA: MAGKAIBIGAN TAYO HABANG BUHAY, WALANG MAKASISIRA SA ATIN
NAPAKA-TOUCHING ang mensahe ni Angelica Panganiban para sa kaibigang si Bea Alonzo.
Magkasama ang dalawang magandang actress sa movie na Unbreakable’ kung saan kasama rin nila si Richard Gutierrez.
Sa IG account ni Angelica, nag-post siya ng larawan nilang dalawa ni Bea at nilagyan niya ng caption, ‘Mami Bei.’
“Ilang araw na lang mula ngayon, makikilala na tayo ng mundo.
“Tinupad ng Diyos ang pangarap natin na makatrabaho ang isa’t isa. Hindi man sa pinaka-madaling paraan, pero nangyari. NANGYAYARI NA,” ani Angge.
Ang tinutukoy ng Kapamilya actress ay ang pagsasama nila sa movie na Unbreakable na malapit nang ipalabas sa lahat ng mga sinehan nationwide.
Unang nagkasama ang dalawang actress sa teleseryeng “Maging Sino Ka Man” at sa “All About Love” movie nu’ng 2006.
Dugtong pa ni Angelica, “Katulad na lang noon, na hindi tayo makapaghintay na makatrabaho ang isa’t isa, hindi rin tayo makapaghintay ngayon na makilala nila tayo. Sa hindi din nila inaasahang journey ng maturity na meron tayo ngayon.
“Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay. Walang makasisira sa atin. I love you mami bei @beaalonzo. We got this.”
Pinatunayan lang ni Angge na ang pagkakaibigan nila ni Bea ay hindi mawawasak anuman ang mangyari.
Parehong may konek sa dalawang actress ang kanilang pinagdaanan.
Si Bea ay ghosting sa parte ni Gerald Anderson samantalang si Angelica ay pinaasa umano ni Carlo Aquino.
Comments are closed.