MARAMING nagtatanong na netizens kung bakit hanggang ngayon ay wala pang balita kung nakabalik na sa bansa si Benjamin Alves, matapos mapabalita ang break-up nila ng dating girlfriend na si Julie Anne San Jose. Balitang umuwi ng Guam si Benjamin at doon nagpalipas ng Holiday Seasons. Parehong tahimik ang dalawa sa issue.
Bago natapos ang 2018, nag-post si Julie Anne sa kanyang Instagram:
“I had a rollercoaster year. It wasn’t bad, it was actually pretty good. 2018 for me was about staying afloat – all the ups and downs, losses and failures – I guess that’s the beauty of life. Just grateful for the moments that gave me gentle lessons; humbled by the times that rattled my bones.
“Who knows what next year holds? Let’s smash 2019.”
Sa pagpasok ng 2019, marami nang assignments si Julie Anne sa kanyang home network. The first leg of the Kapuso concerts called “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” ay kasama niya si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, on January 27, 2019 at the Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City. Makakasama nila rito si Golden Canedo, ang “The Clash” Grand Champion. Susundan ito ng isa pang concert sa Pebrero 10 at The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro. Si Josh Adornado, ang The Clash Finalist, ang makakasama naman nila rito.
KEN CHAN KINATUTUWAAN AT KINAAAWAAN
NATUTUWANG-naaawa kay Ken Chan ang mga tagasubaybay ng afternoon prime drama series niyang “My Special Tatay.” Bukod kasi sa isa nga siyang may intellectual deficiency, nagkaroon siya ng wife (Rita Daniela) na hindi concerned sa kanya sa simula, at ang baby boy nilang si Baby Angelo na mahal na mahal niya. Hindi ba hirap si Ken as Boyet sa role niya at sa maraming eksena na lagi niyang karga si Baby Angelo?
“Hindi po naman, pinag-aralan ko naman ang character ko at para ngang normal na lamang ako sa mga eksenang ginagawa ko,” nakangiting sagot ni Ken. “Saka ini-enjoy ko po si Baby Angelo na parang baby brother ko.
“Hindi po kasi namin problema ang baby namin dahil napakabait niya, hindi siya umiiyak at kung minsan, nagri-react siya kapag kinakausap ko siya sa eksena. Five months old pa lamang kasi siya. At kung minsan nga, nakikita ko na lamang siyang tulog na habang karga ko. Iyon pong mga eksenang kasama siya, una naming tini-tape kasi may oras lamang ang taping niya sang-ayon sa DOLE regulation. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa amin araw-araw at 4:15 pm sa GMA 7.”
RAINBOW’S SUNSET PASOK SA FILMFEST SA AMSTERDAM
CONGRATULATIONS sa “Rainbow’s Sunset.” Pagkatapos ng 44th Metro Manila Film Festival, (MMFF) dumating na ang balitang nakapasok ang family-drama nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero sa Cinema Asia Film Festival na magaganap sa Amsterdam, Netherlands simula sa Marso 5 – 10, 2019.
Nanalong Best Picture at Gat Antonio J. Villegas Cultural Award ang movie na dinirek ni Joel Lamangan. Patuloy rin ang international screenings ang movie.
Comments are closed.