SA ika-6 na sunod na buwan ay patuloy na bumagal ang inflation noong Hulyo sa gitna ng mas mabagal na paggalaw sa presyo ng utility, pagkain, at transportasyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang press briefing, sinabi ni Na- tional Statistician at PSA chief Claire Den- nis Mapa na bumagal pa sa 4.7% ang infla- tion noong nakaraang buwan mula sa 5.4% noong Hunyo at sa 6.4% noong July 2022.
Ayon kay Mapa, ang rate noong Hulyo ang pinakamababa sa loob ng 16 buwan o magmula noong March 2022 nang maitala ang 4.0% inflation.
Ang inflation rate noong Hulyo ay naghatid sa year-todate print sa 6.8%, mas mataas pa rin sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.
“While we continue to experience a downtrend in inflation, we need to be vigilant, especially as we face increasingly volatile weather disturbances as well as external headwinds such as oil price increases and trade restrictions on food,” pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa isang statement.
Sa kabila nito, sinabi ni Balisacan na mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang supply and demand situation ng mga pangunahing bilihin upang makamit ang inflation target nito na 2% hanggang 4% sa pagtatapos ng taon.
Samantala, sinabi ni Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong Hulyo ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Housing, Water, Gas, at Other Fuels.
“Ang nag-ambag nang malaki sa pagbagal ng inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bayad sa koryente, na may 7.1% inflation (mula 10.3%); at renta sa bahay, na may 5% inflation (mula 5.5%),” ayon sa PSA chief.
Ang liquefied petroleum gas (LPG) ay nag-ambag din sa pagbaba ng index sa pagtala nito ng inflation print na -12.3% muls -10% sa naunang buwan.
Ang ikalawang commodity group na nag-ambag sa mas mabagal na July inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages index na may rate na 6.3% mula 6.7% at 25.1% sa overall decline.
“Ang nag-ambag ng malaki sa pagbagal ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang pagbaba ng presyo ng meat and other parts of slaughtered land animals, tulad ng manok, na may -1.7% inflation (from 0.3%),” ani Mapa.
Ang pangatlong nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang pagbaba ng presyo ng Transport na may -4.7% inflation (mula -3.1%) at 24.1% share sa pagbagal ng antas ng pangkalahatang inflation sa bansa noong nakaraang buwan.