JUNIOR BLU GIRLS PINAGLARUAN ANG MALAYSIA

NAGTUWANG sina Alma Tauli at Kianna Juan para pangunahan ang Pilipinas sa pagdispatsa sa Malaysia, 11-1, habang sinungkit ng defending champion Chinese Taipei ang ikatlong sunod na shutout victory laban sa Thailand, 12-0, sa 2018 Asian Juniors Women Softball na nilaro sa gitna ng nakapapasong init ng araw sa Clark International Sport Complex sa Pampanga.

Pinaglaruan nina Tauli at Juana ang Malaysians sa pamamagitan ng airtight pitching na tumagal ng apat na innings upang mapanatili ang dominasyon sa katunggali na kanilang tinalo sa lahat ng international competitions, kasama ang Southeast Asian at ASEAN softball.

Hindi nagbigay ni isang hit at nagtala ng dalawang strikeouts sa dalawang innings ang mga Pinay bago ibinigay kay Juana ang pitching job na tin-apos ang laro sa pamamagitan ng isang run sa laro na tumagal lamang ng ilang minuto bago itinigil ng umpire sa apat na innings dahil sa 10-run rule.

Kinuha naman ng Japan, kampeon noong 1997, 2004 at 2009, ang ikatlong sunod na panalo matapos pataubin ang China, 10-3, upang sumosyo sa liderato sa Chinese-Taipei.

“Tauli and Juan made good account of themselves. They blended well and my pitcher found their marks,” wika ni Junior Blu Girls coach Isaac Bacarisas.

Walo sa 16 member countries ang kalahok sa kumpetisyon na inorganisa ng Softball Confederation Asia, katuwang ang ASAPHIL, at suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.