MASUSUBUKAN ng dating core ng Gilas Pilipinas cadets ang tapang ng PBA young guns ngayon sa PBA All-Star festivity.
Makakasagupa ng Juniors team nina Mac Belo at Roger Pogoy ang Rookies/Sophomores selection nina CJ Perez at Jason Perkins sa main appetizer ng All-Star game ngayong linggo sa Calasiao, Pangasinan.
Nakatakda ang bakbakan sa alas-7 ng gabi sa Calasiao Sports Complex kasunod ng Skills Challenge side events na tatampukan ng Obstacle Race, Three-Point shootout, at Slam Dunk contest.
Pangungunahan nina Belo at Pogoy ang cadets training pool na binubuo ng 2016 rookie batch ng liga.
Makakasama nila sa Juniors squad sina Matthew Wright, Jio Jalalon, Carl Bryan Cruz, Kevin Ferrer, Russel Escoto, Ed Daquioag, Mike Tolomia, Von Pessumal, Rashawn McCarthy at Ael Banal.
Tanging sina McCarthy at Banal ang hindi bahagi ng Gilas cadets team.
Samantala, makakasama naman nina Perkins at Perez sa Rookies/Sophomores sina Jeron Teng, Raymar Jose, Rey Nambatac, Robbie Herndon, Mark Tallo, Robert Bolick, Abu Tratter, Paul Desiderio, Trevis Jackson, at Javee Mocon.
Si Phoenix lead deputy Topex Robinson ang magmamando para sa Juniors, habang ang coaching staff ng Rain or Shine ang hahawak sa Rookies/Sophomore unit.
Bago ang laro ay idaraos ang Obstacle Race kung saan target ni Beau Belga ng Rain or Shine ang back-to-back titles.
Makakasagupa niya sina June Mar Fajardo (San Miguel), Mo Tautuaa (NorthPort), Kyle Pascual (Magnolia), Jose (Blackwater), Noy Baclao (Alaska), Marion Magat (NLEX), Prince Caperal (Barangay Ginebra), Bryan Faundo (Meralco), Yousef Taha (TnT Katropa), Russel Escoto (Columbian Dyip) at Justine Chua (Phoenix).
Sisikapin naman ni James Yap ng Rain or Shine na mapanatili ang kanyang Three-Point shootout title laban sa ilan sa pinakamahuhusay na marksmen sa liga, sa katauhan ni Marcio Lassiter (San Miguel), Pogoy (TnT Katropa), Wright (Phoenix), Ferrer (Barangay Ginebra), Mike Digregorio (Blackwa-ter), Philip Paniamogan (NLEX), Robert Bolick (NorthPort), Simon Enciso (Alaska), Peter June Simon (Magnolia), McCarthy (Columbian Dyip), at Baser Amer (Meralco).
Nakahanda naman sina Renz Palma (Blackwater), Lervin Flores (NorthPort), Perez (Columbian Dyip), at Chris Newsome (Meralco) na pigilan si defending champion Rey Guevarra ng Phoenix sa paghablot ng record-tying fifth Slam Dunk title.
Tangan ni KG Canaleta ang pinakamaraming ‘slam’ titles na napanalunan sa kasaysayan ng PBA na may limang championships (2005, 2006, 2007, 2010, at 2012).
Comments are closed.