MAYNILA-TULOY ang laban! Ito ang sigaw ng mga kasapi at supporter ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) kasunod ng cremation sa labi ng kanilang presidente na si Ka Zeny Maranan matapos atakehin sa puso.
Bumaha ng pakikiramay mula sa mga kasamahan ni Maranan sa iba’t ibang transport sector na nasa kasagsagan ng laban kontra jeepeny modernization at pagsusulong ng kahilingan na buksan ang mga dati nilang ruta at hayaan nang tuluyang maka biyahe.
Nabatid na pumanaw ang FEJODAP president habang naka-confine sa isang ospital sa Antipolo City, Rizal dahil sa car-diac arrest bandang alas-5 ng hapon noong Sabado sa edad na 75.
Si Maranan ay isa sa mga aktibong nagsulong sa kapakanan ng mga tsuper bilang presidente ng FEJODAP na minana niya sa kanyang yumaong asawa.
“Kami ay nagulat dahil she’s showing good signs (but) all of a sudden, nagkaroon siya ng cardiac (arrest) kahapon around past 4 (Sabado). Sabi ng doktor sa akin, 5 o’clock itinigil na nila ’yung pag-revive,” paglalahad sa media ni Bobot Zapanta na tumayong tagapagsalita ng pamilya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.