BULACAN – ISANG caretaker na kaapelyido ni Pangulong Duterte ang napatay makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Barangay Mambog, Malolos City, kamakalawa ng hapon.
Base sa report ni P/Col.Chit Bersaluna, Bulacan police director, nakilala ang biktimang si Eliseo A. Duterte alias Elly, caretaker at residente ng Block 50,Lot 4, Casimiro Town Homes Deparo,Caloocan City na namatay sa pook ng pinangyarihan ng insidente bunga ng mga saksak sa katawan.
Nakilala ang suspek na si Ernesto Blanquez, manggagawa at nakapiit ngayon matapos na madakip ng nagrespondeng police ng Malolos City at nahaharap ito ngayon sa kasong murder at narekober sa kanya ang isang kitchen knife na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Ala-1:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Purok Wakas,Barangay Mambog,Malolos City makaraang makarinig ng paghingi ng tulong ang kapit-bahay ni Duterte sa kanyang tinutuluyan sa Barangay Mambog,Malolos City at nakita nilang huling lumabas dito ang suspek na si Blanqueza na may dalang patalim. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.