‘KADENANG GINTO’ STAR DIMPLES ROMANA MAY REAL ESTATE AT ONLINE BEAUTY BUSINESS

SA ISANG pana­yam, naikuwento ng “Kadenang Ginto” star na si Dimples Romana entra eksenana bumili sila ng bagong property ng kanyang husband na si Boyet Ahmee. Isa itong commercial building na ika-9 na property na nila bilang married couple.

“For me, it’s really more of taking leaps of faith, it’s all about how matapang you are,” Dimples shares. “If you don’t have the guts for it, then your dream will remain a dream.”  Idinaan niya sa prayers at teamwork din nila ng kanyang mister ang pagbili nila ng property.

“I always pray for discernment, like if a property will be good for us.”  We’re working on budget all the time, we’re not well off… we are just living from one paycheck to another. The key is really to make sure that you get help from other people as well.”

Samantala nag-invest na rin si Dimples sa beauty business na Asia’s Lashes, isang established professional eyelash extension studio. “Talagang nakaka-empower when you wake up in the morning and when you look in the mirror… kapag maganda na ang pilik-mata, maganda ka na agad, ‘di ba? Kahit walang make-up,” sabi pa nito.

Mula sa pagiging endorser nito ng Asia’s Eyelashes ng maraming taon, Dimples decided to become a “mompreneur” dahil nakita niya kung paano mag-operate ang company. “The staff really prioritizes women’s feelings so when you go to an Asia’s Lashes branch, they make sure you to feel good about yourself and the choices you’re going to make,” paliwanag pa ng mahusay na bida-contravida actress.

PAGDIDIREK AT NEGOSYONG RESTO PAGSASABAYIN NI DIREK REYNO OPOSA

SA HULING chat namin sa kaibigang director at film producer na si Reyno Oposa, sinabi nitong babalik na siya sa bansa ngayong November for good na. Yes, susubukan daw ni Direk Reyno, na iwan na muna ang kanyang mga trabaho sa Toronto Canada kung saan matagal siyang based doon.  Gusto niyang magtuloy-tuloy na sa kanyang pagdidirek at pagpo-produce ng indie movies.

Pagsasabayin ni Direk Reyno ang paggawa ng pelikula at pagtatayo ng negosyong restaurant na ang specialty ay chicken inasal at kansi (Ilonggo bulalo). Malaki-laki rin ang kanyang magiging puhunan sa nabanggit na business at ipo-prodyus na film, pero decided na siya na ituloy ito lalo’t kumpiyansa si Direk Reyno na papatok siya rito.

Actually, nagkaroon na siya ng negosyong litsong manok na ipinagkatiwala niya sa kanyang mga kapatid na pinag-aaral, pero dahil wala na raw mag-aasikaso ay isinara na muna ito ni Direk.

Dalawa sa gagawing movies ni Direk Oposa, ang Komadrona at ‘yung isa na iniisip pa ang magiging title.

DALAWANG MISIS NA DABARKADS WAGI NG HOUSE AND LOT SA EAT BULAGA AT BRIA HOMES

KASAMA sa selebrasyon ng 40 years ng Eat Bulaga ay ang pamimigay ng pabahay Bria Homesmula sa BRIA Homes para sa dalawang maswerteng Dabarkads!

Nitong July, ang mga misis na Dabarkads na sina Jhonelyn Guim ng Puerto Princesa at Jessica Oliver ng Caloocan ang mga pinalad na magwagi ng house and lot nang parehong mabuksan ang susi sa APT Studio ng kanilang mga bagong bahay.

Ayon pa kina Jhonelyn at Jessica,  pareho silang mga nangungupahan at malaki ang pasasalamat nila na ngayon ay may sarili na silang bahay para sa kanilang pamilya.

Labis-labis ang pasasalamat ng dalawa sa pabahay promo ng Eat Bulaga, at natupad ang kanilang pangarap na manalo.