NAGPAHAYAG ng buong pagsuporta ang Department of Trade and Industry (DTI) sa sabay-sabay na pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa iba’t ibang lalawigan ng National Capital Region (NCR) nitong Pebrero 15.
Sa pangunguna ni Pangulong R. Marcos Jr., layunin ng programang siguruhin at mas paunlarin ang suplay ng pagkain at makabuluhang trabaho para sa mga Pilipino.
Sa Kadiwa ng Pangulo, diretsong naihahatid sa mga mamimili ang ani ng mga magsasaka at iba pang manufactured na mga produkto sa mas abot-kayang halaga. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na panatilihing risonable ang presyo ng mga bilihin.
Sang-ayon sa layunin ng Kadiwa ng Pangulo, isa rin sa prayoridad ng DTI ang pagpapalakas ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Sinisiguro ng DTI na mapalawak ang kakayahan ng MSMEs, kabilang na ang manufacturers, mga kooperatiba, mangingisda, at iba pang sektor ng agrikultura.
Katuwang ang DTI, matagumpay na nailunsad ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), Department of Interior and Local Government (DILG), at lokal na pamahalaan.