KAGAWAD HULI SA DROGA

huli sa droga

QUEZON – ARESTADO ang isang aktibong barangay kagawad sa drug buy bust operation ng mga ope­ratiba ng Padre Burgos PNP na pinamumunuan ni Sr. Insp. Lope Liwanag III sa may bahagi ng Barangay Danlagan, Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ni PSI Liwanag hepe ng pulisya ang suspek na si Erwin Hoyohoy y Lualhati, 45-anyos isang drug surrenderer noong hindi pa ito nanunungkulan at residente ng nabanggit na lugar.

Dakong alas-4:30 ng hapon ng magsagawa ng drug buy bust operation sa lugar ang mga pulis at nakabili ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa barangay kagawad.

Narekober ang pitong sachet na naglalaman ng shabu at mark money na ginamit ng mga pulis.

Bago tuluyang dalhin sa police station ang barangay kagawad ay inilatag muna at inimbentori sa lugar ng mga pulis ang mga nakuhang ebidensiya sa harapan ng mga Brgy. official na sina Kapitana Rosalia Dumangas at kagawad Renato Perez para sa tama at kaukulang proseso.

Ayon kay PSI Liwanag sa kanilang Division Intelligence Drug Watchlist bagamat sumurender ang suspek noon at nahalal bilang barangay kagawad nitong nakaraang barangay election ang suspek ay nagpatuloy sa paggamit at pagbebenta ng shabu sa bayan ng Padre Burgos, dahil aniya patuloy nilang sinusubaybayan ang mga drug surrenderer sa kanilang bayan kung ito man ay magbabalik sa dati nilang bisyo at gawain.

Kasalukuyang nakakulong sa Padre Burgos PNP costudial facility ang naturang suspek at sinampahan na ito ng mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 sa hukuman at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.                 BONG RIVERA

Comments are closed.