BULACAN-BINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Bocaue Specialist Medical Center ang Brgy. Kagawad na pinagbabaril kahapon ng umaga sa Brgy. Bagbaguin, Sta.Maria sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni PNP Bulacan Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang biktima na si Aldrin Santos Y Ativa, 38-anyos, may-asawa ng Brgy. Poblacion 2 sa bayan ng Marilao.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad nagdala lamang ng gamit sa JPMS driving school sa Brgy. Bagbaguin ang biktima nang barilin ito ng malapitan.
Sa kuha ng CCTV, makikitang pumasok sa opisina ng driving school si Santos bago lumabas habang kinakausap ang mga rider.
Bigla na lamang lumapit ang isang lalaki na nakasuot ng kulay puting jacket, naka-helmet at nakasuot ng kulay itim na short.
Tatlong beses na pinaputukan sa katawan ang kagawad ng suspek na armado ng maikling kalibre ng baril na lulan ng kulay itim na motorsiklo.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek patungo sa bahagi ng Brgy. Turo.
Nabatid na bago ang pamamaril una nang nakakatanggap sa pagbabanta sa buhay ang biktima,
Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng pamamasalang. THONY ARCENAL