Paano nga ba makakamit?
(ni MARY ROSE AGAPITO)
PATOK sa mga kabataan ngayon ang pagpunta sa iba’t ibang lugar at pag-akyat sa mga bundok. Ito nga na-man ang kinahihiligang activity ng mga kabataan dahil na rin sa naghahanap sila ng exciting o nakatutuwang mga maaari nilang gawin.
Mapalad tayo dahil ang Filipinas ay may napakaraming magagandang lugar na maaaring dayuhin. Hindi na nga naman natin kakailanganin pang magtungo sa iba’t ibang bansa para lang masilayan ang magagandang tanawin. Sapagkat dito lang sa bansa, marami na tayong puwedeng puntahan na abot-kaya ng bulsa.
Hindi mauubusan ng mga lugar na darayuhin ang mga gustong ikutin ang magagandang lugar sa ating bansa.
Hindi natin maitatanggi na ang pagpunta sa iba’t ibang lugar ay nangangailangan ng katumbas na halaga para sa pamasahe, pagkain, entrance fee at kung ano- ano pa. Magastos ang gawaing ito lalo na kung ikaw ay isa pa lamang estudyante o isang empleyado na hindi kalakihan ang sweldo. Maraming budget-friendly at malalapit na pasyalan dito sa Metro Manila, kaya kung nagsisimula ka pa lang sa iyong travel goals ito ang mga rekomen-dadong lugar para sa iyo.
Ngunit sa panahon ngayon na patuloy na nagtataasan ang bilihin, paano pa nga ba natin matutupad ang pangarap nating makapag-travel sa iba’t ibang lugar?
Kaya naman, para ma-achieve ang dream na makapag-travel, narito ang ilang tips na maaaring subukan o sundin:
TAMANG PAGBA-BUDGET
Isang simple at epektibong paraan ay ang tamang pagba-budget at pag-iipon kung gusto mong ituloy ang iyong goal na makapag-travel sa loob man o labas ng bansa.
Hindi ito kasing simple o kasing dali lang ng pag-iimpok nang pabarya-barya sa iyong alkansya.
Tulad ng pagpapapayat, nangangailangan ito ng disiplina at tiyaga para makamit ang iyong inaasam na travel goals.
Kaya’t ang unang-unang paraan na dapat na matutunan ay ang tamang pagba-budget. Nangangahulugan ito ng paglalaan lamang ng salapi sa mga na-rarapat o mahahalaga, samantalang ang mga hindi naman importante ay dapat na ipagpaliban.
ALAMIN AT PLANUHIN ANG LUGAR NA IYONG PUPUNTAHAN
Bukod sa pag-iipon, mahalaga rin ang pagpaplano sa gagawing pagta-travel.
Kaya naman, ugaliin ang pagre-research tungkol sa pupuntahan, alamin kung magkano ang iyong magagastos; pamasahe, pagkain, entrance fee, souvenirs etc. Mabuting magplano at inaalam ang mga bagay na ito upang malaman kung magkano ang gagastusin at magawan ng paraan kung paano magba-budget.
MAGING RESPONSABLE SA PAGGASTOS
Mabuting suriin at pagkumparahin ang iyong mga gusto at ang iyong needs o mga kailangan. Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung ano ang dapat mong unahin at kung ano ang dapat mong bawasan upang makatipid at makapag-ipon ka ng sapat na halaga na magagamit mo sa iyong dream destination.
Maaari rin ang paggawa o paglilista ng mga nagastos o ginagastos. Matutukoy mo sa paraang ito kung ano ang mga bagay na napaglalaanan mo ng malaking porsyento ng iyong pera.
Sundin din ang salary-savings=expenses na pormula. Kahit saan galing ang iyong pera; allowance man ‘yan na galing sa magulang o sweldong pinaghirapan sa trabaho. Isang mahusay na paraan na sundin ang pormulang ito upang maiwasan na walang maipon. Laging unahing itago ang savings upang buong-buo mo itong maihihiwalay.
MAG-SET NG GOAL
Magkano ang itatago mo sa isang araw, sa isang linggo, sa isang buwan. Kaakibat nito ay ang disiplina sa pagba-budget ng pang-araw-araw na pan-gangailangan. Maaaring magsimula sa 10% ng kita at dagdagan ito hanggang sa tumaas nang tumaas. Kumbaga, maliit muna hanggang sa lumaki nang lumaki ang iniipon mo.
Hindi ito magiging madali, ngunit siguradong sulit ang bunga ng iyong paghihirap at tiyak na matutupad ang iyong dream na makapag-travel.
Maging disiplinado rin nang makamit ang inaasam-asam. (google photos)
Comments are closed.