(Kahit bahagyang kumalma) BULKANG TAAL PELIGROSO PA RIN

BULKANG TAAL

TUMAAS ang inilalabas na sulfur dioxide ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Sa pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-8 ng umaga kahapon ay naglabas ng 409 tons ng sulfur dioxide ang Taal Volcano na mas mataas kumpara sa 224 tons na naitala nitong Biyernes.

Gayunpaman, sinabi ng PHIVOLCS na mababa na ito kumpara sa 5,299 tons per day na kanilang naitala, isang araw matapos ang unang pag­aalboroto ang Bulkang Taal.

Kaugnay nito, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng anim na mahihinang pagyanig sa paligid ng bulkan na naglalaro sa 1.5 hanggang 2.3 magnitude.

Sa kabila ng mahinang aktibidad, muling iginiit ng PHIVOLCS na nananatili pa rin ang alert level 4 sa Bulkang Taal at ang mga panibagong aktibidad nito ay hudyat na mayroon nang deposito ng magma na maaaring magdulot ng mas mapanganib na pagsabog. DWIZ 882

Comments are closed.