HAPPY ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa mga proyektong binibigay sa kanya lately ng Kapuso Network. Katatapos pa lang niya ng first ever loveteam nila ni Gabby Concepcion, heto at may first time ulit siyang leading man sa serye, si Dingdong Dantes para sa Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovela na “Descendants of the Sun.”
Hindi na rin naman bago para kay Jen na makasama si Dong sa isang project. Naging anak na siya ni Dong sa “Encantadia” at co-host sa nakaraang season ng Starstruck. At may bonus pang bagong friend si Jen sa paggawa ng DOTS sa katauhan ni Nicole Donesa na gumanap bilang isa sa nurses ni Jennylyn na papel naman ay isang doktora. Knows ni Jen na si Nicole ang bagong gf ngayon ng dati niyang kalabtim at boypren na si Mark Herras.
Say ni Jen, okey naman daw itong si Nicole at wala silang naging problema habang nagta-taping ng DOTS. Lagi nga raw happy ang mood sa set at enjoy ang lahat. Never din daw nilang naging topic si Mark sa tuwing may tsikahan portion sila ni Nicole kapag break ng kanilang tapings.
Baguhan si Nicole at nakilala siya ni Mark nang magsama sila sa isang afternoon teleserye ng GMA7, ang “Bihag” kasama sina Jason Abalos at Max Collins.
ALDEN RICHARDS ENJOY SA BAGONG SHOW PARA SA MGA BATA
IBANG Alden Richards ang makakasama ng mga Aldenatics ‘pag Linggo sa GMA-7. Parehong main host si Alden ng “All Out Sundays” at sa gabi naman ay host din siya sa “Centerstage”.
Kung sa AOS ay pure entertainment ang hatid na hosting job ni Alden, kung saan ay kumakanta at sumasayaw ang Multimedia actor, sa CS ay siya ang main host para sa kids na may angking talento sa pag-awit.
Hindi na bago para kay Alden na maging host sa talent search show, tulad na lang sa show nila noon ni Regine Velasquez na “Bet Ng Bayan”, pero panibagong hamon naman kay Alden ang “Centerstage” kasi mga bata ang contestant dito.
Say nga ni Alden nang i-alok sa kanya ang pagiging host ng CS ay hindi na siya nagdalawang-isip kahit pa sabihin na halos jingle na lang ang kanyang pahinga sa pagtatrabaho. Isa kasi sa dream na gawin ni Alden ay magkaroon ng isang show na pambata. O ‘di nga ba, enjoy na enjoy si Alden sa pagho-host niya sa “Eat Bulaga” na kung saan ay nakasama niya si Baste.
Sa rami ng trabahong ginagawa ni Alden, mula sa telebisyon at sa pagiging product endorsers, kailan naman kaya uli gagawa ng pelikula si Alden at masusundan ang “Hello Love Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo na kung saan ay kumita ang movie nila ng P1.3-B at napagwagian nilang dalawa ni Kathryn ang titulong Phenomenal Stars of the Philippine Cinema para sa taunang awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).
Comments are closed.