(Kahit operada pa raw) RICKY REYES SA LGBTQ: ANG BAKLA AY BAKLA, LUMUGAR TAYO SA TAMA!

Ricky Reyes

MALINAW ang paninindigan ng sikat na celebrity hairdresser na si Ricky Reyes, reflectionmas kilala bilang si Mother Ricky, ukol sa isyu ng comfort room para sa mga LGBTQ members at ng SOGIE Bill.

Nakausap namin si Mother Ricky sa kanyang Child Haus building sa Escoda St., Manila kung saan isa sa namamalagi ang veteran showbiz writer na si Letty Celi na nag-a-undergo ng kidney treatment sa Phil. General Hospital.

“This year, lahat ng LGBT, nilikom ko silang lahat. Sabi ko, tigilan ninyo ang kabaklaan. Huwag na kayong mag-bestida sa kalye kasi lalo lang tayong pagtatawanan ng tao. Okey?” panimula ni Mother Ricky.

Dapat daw tumulong ang mga gay na gaya niya sa kapwa para raw mahalin sila ng mga tao. At lagi raw niyang sinasabi, walang ibang makai-intindi sa bakla kundi bakla lang talaga.

“Kahit sarili nilang nanay, kahit sarili nilang tatay, sasabihin, ‘Ah, mahal ka namin anak naintindihan ka namin… shet!

“Mahuli ka ng tatay mo kumo-kokak ka, sipain ka pa ng tatay mo, ‘Day! ‘Di ba?

“Pero ang bakla, mahuli ka ng bakla na kumo-kokak ka, ‘Hoy, Bakla, share ako, ha. Akin na ang number,’ ‘di ba? “Nagkakaintindihan. Walang makaiintindi sa bakla kundi bakla lang.”

Payo pa ni Mother Ricky, ang affair ng mga bakla dapat sa kanila lang at huwag nang ipangalan­dakan sa tao. “Bakit kaila­ngan kong ipangalandakan sa madlang pipol, ‘Uy, intindihin mo nga ako, bakla ako.’ Teka muna.”

Bilang gay icon sa Pinas, klaro ang stand ni Mother Ricky sa kontro­bersiyal na comfort room for gays.

“Kung ikaw ay may nota, sa lalaki ka. ‘Pag may kipay ka, sa babae ka. Finish. ‘Yun lang ‘yon. Nirerespeto kita bilang tao. Nirerespeto kita bilang bading. Pero lumugar tayo sa tamang lugar,” ‘di ba?

“Kung ikaw babaeng-babae at hindi na mabubuking, e, ‘di lumusot ka kung makakalusot ka. Pero kung hindi ka makakalusot, anong problema mo?”

Gaya ni Jake Cyrus na kahit isang lesbian ay sa CR pa rin siya ng mga babae pumapasok.

“Kung nagpaopera ka, kaso nga ang bakla pa rin kahit operada na, kahit may kipay na, maski may boobs na, bakla pa rin ang utak!  ‘Day. Saan ka nakakita, ‘Oy, may kipay na ako, o.’ ‘Uy, may boobs na ako.’ May babae bang ganoon? Wala namang babaeng ganyan, ‘di ba?

“Diyos ko! Lumugar lang sa tamang lugar, ‘di ba? Doon lang tayo, kasi mayroon naman tayong gay community. Bakit natin kailangan ng kung ano-ano. May gay pageant naman tayo.

“Bakit tayo pupunta sa mga lugar na pagpipilitan mo na girl ka, e, may bar naman para sa mga bading ‘di ba?

“Doon ka sa lugar natin. Bakit kailangan mong makipagsaksakan sa lugar na hindi ka naman matatanggap,” tuloy-tuloy na paliwanag niya.

Kinuha rin ang opinyon ni Mother Ricky kung sa palagay ba niya ay nae-exaggerate lang ang usapin sa CR for the LGBTQ na umabot pa sa Congress.

“Let it be na lang. Basta ang bakla ay bakla, maski ano ang gawin niyan, isulat n’yo ‘yan. Ang bakla, gilingin ko man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger.”

Nagpahayag din ng saloobin si Mother Ricky tungkol sa isinusulong na SOGIE bill sa Senado. “Ang kasal ay para lamang sa babae at lalaki. E, mayroong kasabihan sa Catholicism na sacrilege. Pambabastos sa relihiyon, huwag na.

“Ang pagpapakasal ay ibig na natin sa babae at lalaki, ‘di ba? Saka kung gusto ninyo ng union, e, ‘di mag-union kayo.

“Bakit ako, I’m in a relationship for 40 plus years, but we never go out of our way, ‘Ay, kailangan naming magpakasal.’ No more.

“May kasabihan tayo, you never, never rock the boat if it is not broken. ‘Pag maayos siya, go lang, ‘di ba? So, bakit kaila­ngang ipagsaksakan kung ‘di naman magulo. E, pinagugulo mo lang ang mundo, ‘di ba?”

Umiling naman si Mother Ricky when we asked him kung napag-usapan din ba nila ng partner niya na si Daddy Cris Aquino ang magpakasal. “Never,” diin niya.

“We have children. We have grown-up children. And they are good children. But we never talk about marriage, never. Sabi nga, you never rock the boat if it is not broken.”

Comments are closed.