KAI SOTTO MINAMALIIT NG MGA FOREIGN PLAYER SA IBANG BANSA

on the spot- pilipino mirror

KUNG anong laki ni Kai Sotto, siya namang liit ng tingin sa kanya ng mga foreign player. Masyado umanong mabagal itong si Sotto na ma-labong makatuntong sa pangarap niyang NBA League.

Kasalukuyang nasa G League ang 7’2 player. Ito ay isang programa na binuo para makadiskubre ng mahuhusay na players para sa NBA. Kailangan ni Kai na maging agresibo sa kanyang paglalaro, at bumilis ang kilos niya sa loob ng court upang tumaas ang level niya sa kumpetisyon.

Alam ni Sotto na kailangan niya ng malupit, malakas at agressibong laro sa pagsabak niya sa G League para sa Ignite team. Kailangan ni Sotto na magpakitang gilas sa kanyang mga laro upang mapansin siya at makapasok sa 2021 NBA Draft.

Ayon kay Sotto, ang instructions sa kanya ay maging NBA ready sa pamamagitan ng paglalaro nang mapusok sa loob ng court at handang makipag-sabayan sa mataas na level ng kumpetisyon. Sa pagtuturo ni dating Denver Nuggets head coach Brian Shaw, nag-eensayo  si Sotto sa G League sa California simula pa noong Agosto

Naniniwala si Sotto na makakapasok  siya sa NBA para sa unang pagkakataon ay may purong Pinoy na maglalaro sa NBA. Good luck, Kai. Ipakita mo sa mga Amerikano na kaya mo.

o0o

Patuloy ang pagpapasiklab ni Gilas Pilipinas basketball women’s  team player Jack Animam sa team ng Shih Hsin University  sa University Basketball Association na tinambakan ng 57 points ang kalaban, 105-48, sa Shu Gym. Nag- double double si Animam na gumawa ng 14 points, 10 rebounds, at 3  blocks upang makuha ng Tigers ang kanilang ika-6 na sunod na panalo at walang talo.

Si Jack ay varsity player ng Shih Hsin University kung saan siya nagma-Master.

o0o

Sa April 9 na ang pagbubukas ng 46th season ng PBA. Dapat sana ay Enero pero dahil sa katatapos lang noong nakaraang linggo ng Philippine Cup ay ginawa itong Abril. Pati na ang PBA draft ay iniurong na rin upang makahabol ang ibang foreign players na kulang sa papeles.

Mukhang sobrang lalim ng drafting sa 2021,wala kang tulak kabigin.  Tsika  ng On the Spot, dahil walang 83rd season ang UAAP next year, ang ilang players ng university ay sasama sa drafting. Posibleng mag-apply na  sina Ricci Rivero at Kobey Paras.

Comments are closed.