KAI SOTTO NASA PINAS NA

on the spot- pilipino mirror

NAGKAROON umano ng inggitan sa pagitan nina Jared Dillinger at Arvin Tolentino ng Brgy Ginebra kaya raw iti-trade si Tolentino upang mawala ang selos ng Fil-Am player sa huli.

Tsika namin, nagkakaroon ng inggit si Dillinger sa dating FEU player dahil pansin nito na mas nabibigyan ng  mahabang playing time si Arvin kaysa sa kanya.

Sa tingin naman ng On the Spot, impossible na mas paboran ng koponan si Jared kaysa kay Arvin na batam-bata. Si Dillinger ay pababa na ang laro dahil nagkakaedad  na. Posibleng si Dillinger pa ang i-trade ng team. Si Arvin ay mataas na ang value at maganda ang ipinakita niya noong bubble game ng PBA sa Clark, Pampanga. At naging candidate pa siya Rookie of the Year,  hindi nga lang siya nanalo. Si Aaron Black ng Meralco Bolts  ang pinalad na makapag-uwi ng award.

Malamang sa  ipinakita ni Arvin ay manatili ito sa kampo ng Brgy Ginebra.

vvv

May bago nang franchise players ang Rain or Shine Elasto Painters sa katauhan nina Rey Nambatac at Jayvee Mocon. Ang dalawa ang itinuturing na papalit sa trono nina Chris Tiu, Beau Belga at James Yap na pawang mga franchise players ng team. Si Tiu ay nagretiro na, habang si Belga ay  posibleng mai-trade sa ibang team at mapapaso na rin ang kontrata sa Oktubre  ng taong kasalukuyan.

Si Yap ,malamang ay huling taon na rin ang paglalaro,  marami na rin siyang nararamdaman sa katawan. Katunayan, tinanggalan ng tubig ang kanyang tuhod kaya hindi siya nakakasama sa ensayo ng team sa Batangas City. Hahabol na lang ito bago magsimula ang 46th season ng PBA sa huling linggo  ng June o unang limggo ng July.

Sina Mocon at Nambatac ang nangunguna ngayon sa koponan ng RoS at maraming supporters. Gaano kaya katotoo na marami na ring team na nagkakainteres sa player ng San Beda at Letran?

vvv

Dumating na nga sa bansa si Kai Sotto, ang  7’3 player. Sa mga hindi nakaaalam, si Kai ay anak ng dating PBA player na si Ervin Sotto. Excited na ang batang Sotto na makapaglaro sa  Gilas Pilipinas. Hindi lamang naman si Kai ang nananabik pati ang kanyang mga fans ay nais na siyang makitang maglaro. Good luck, Kai!

28 thoughts on “KAI SOTTO NASA PINAS NA”

  1. 665412 585031Black Ops Zombies […]some people still have not played this game. It is hard to envision or believe, but yes, some men and women are missing out on all with the fun.[…] 16591

  2. 68060 27379Hi. Cool article. There can be a problem with the internet site in firefox, and you might want to test this The browser will be the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your excellent writing due to this difficulty. 842032

Comments are closed.