(Kalaban may kasamang dayuhan patuloy na nalagasan) AFP TULOY SA PAG-TUGIS SA MORO EXTREMISTS

AFP2

MAGUINDANAO – NAGPAPATULOY ang operasyon ng Philippine Army katuwang ang Philippine Air Force kung saan gumamit na ng fighter plane at natunton ang kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa lalawigang ito at batay sa militar, may walong kalaban ang nasawi.

Ayon kay Maj Gen. Cirilito Sobejana, commander, 6th Infantry Division, inaalam pa ng kanyang mga tauhan kung kasama sa mga nasawi ang ilang foreign terrorists na nagkukubli sa area sakop ng Sultan sa Barongis.

Ayon kay Sobejana may mga pangalan na sila ng napaslang su­balit kasalukuyan pa nilang kinukumpirma dahil kabilang umano sa nasawi si Salahudin Hasan,  sub-commander ni Daulah Isla­miya Toraife  group.

May ulat din na kasama ni Abu Toraife si Mawiya, Singaporean, dalawang Arab at middle eastern looking na individuals at dalawang Malaysian.

Magugunitang napalaban na rin ang militar sa mahigit 100 bandido sa Patikul, Sulu kung saan limang sundalo ang nasawi habang tatlo naman sa panig ng mga teroristang Abu Sayyaf kasama umano si Abu Black sa nasawi.

Nabatid na matapos ang surgical strike ay nagsagawa naman ng artillery fire ang mga tauhan ng army at saka sinundan ng ground assault. VERLIN RUIZ

Comments are closed.