(Kalaro sa basketball binaril) PBA PLAYER AMORES SUMUKO SA PULISYA

LAGUNA-SUMUKO na sa pulisya ang PBA player na si John Amores matapos nitong barilin ang nakaaway sa larong basketball sa Lumban nitong  madaling araw ng Huwebes.

Kasama ng kanyang kapatid,  boluntaryo ang mga itong sumuko sa himpilan ng pulisya sa Lumban PNP dakong ala-1 ng madaling araw kahapon subalit, tumanggi muna ang mga itong magbigay ng pahayag.

Ayon sa report ng Lumban PNP, dakong ala- 6 nitong Miyerkoles ng gabi, naglalaro ng basketball si Amores sa isang court sa Barangay Salac nang makasagutan nito ang isa sa kanilang  kalaban, isang 32-anyos na seaman na si Lee Cacalda dahil sa isang hindi nila nagustuhang ang tawag ng referee.

Nagkahamunan na magsuntukan ang dalawa pero hindi sa basketball court kundi sa ka­tabing barangay na Brgy. Maytalang Uno.

Unang umalis ang magkapatid na Amores sakay ng motorsiklo at binantayan ang pagsunod ni Cacalda.

Pagdating ni Cacalda na sakay din sa motorsiklo, pinaputukan ito ni Amores at saka tumakbo papalayo pero hindi naman tinamaan ang biktima.

Kasalukuyang nakakulong sa Lumban PNP custodial faci­lity ang magkapatid at nahaharap sa kasong attempted murder at nakatakdang sumailalim sa inquest proceeding process.

BONG RIVERA