KALAYAAN SA ARAW-ARAW PROTEKSYONAN

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang selebrasyon ng ika-125 Independence Day sa Rizal Park sa Maynila, kahapon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Punong Ehekutibo na kahanga-hanga ang mga katapangan ng loob at mga ginawa ng mga ninuno para makamit ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang kanilang mga ginawa ay dapat ikarangal ng buong sambayanang Pilipino at ang paggunita ay muling nagpapaalala sa sa mga sakripisyo ng mga nagtanggol sa watawat ng bansa.

Ang mga paghanga aniya ay dapat isalin ng bawat henerasyon sa mga susunod pang panahon upang maalala at maging ehemplo na ipaglaban ang soberanya.

“This historic day confirmed what our forebears have religiously kept in their hearts: that we are the inheritants of the glorious heroism and nobility that our ancestors have demonstrated throughout our long and storied history,” bahagi ng mensahe ng Pangulo.

Aminado si Pangulong Marcos na marami pa rin ang mga hamon ang bansa lalo na’t mayroong mga kalabang hindi nakikita kaya naman dapat pang pag-ibayuhin ang katatagan ng loob at katapangan na taglay ng ating mga bayani.

Hinamon din ng Pangulo ang lahat na proteksyonan ang kalayaan araw-araw at sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaan ay dapat gumawa ng pinakamabuti at panatilihin ang integridad.

“I challenged each of us to assert our liberty day to day. Let us pursue excellence and integrity,” bahagi ng talumpati ni PBBM.
EVELYN QUIROZ