KALUGAR KINATALO, OBRERO ARESTADO SA PAGNANAKAW

magnanakaw

NASAKOTE  sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ang isang construction worker matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng kalugar sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang suspek na si Arnel Imperial, 37, ng Phase 9, Package 5, Block 48, Lot 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

Ayon kay Col. Flores, alas-3:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-asawang Jose Rey Tinio, 47-anyos, seaman; at Elma, 50-anyos, sa Phase 9, Pkg 5, Blk 62, Lot 30 sa pamamagitan ng pagsira ng screen door saka kinuha ang tatlong cellular phone na aabot lahat sa P12,999 ang halaga at wallet na naglalaman ng P9,000 cash.

Gayunpaman, nakita ang suspek ng isa pang biktima na si Russelle Amican, 19-anyos, kaya’t nag-panic ito at kumuha ng patalim saka tinutukan si Amican bago mabilis na tumakas.

Nagising naman si Jose Rey at tinangkang habulin ang suspek subalit, tuluyan na itong nakatakas habang humingi naman ng tulong ang mga biktima sa mga barangay tanod at PCP-3.

Ayon kay Caloocan Police deputy chief for administration PLTCOL Ferdie Del Rosario, sa ikinasang fol-low-up operation ng mga tauhan ng PCP-3 ay naaresto ang suspek alas-5 ng hapon su­balit hindi na nabawi ang mga kinulimbat nito. VICK TANES

Comments are closed.