KAMARA ABALA NA SA SONA

kamara

MATAPOS ang pagdaraos ng halalan nitong Lunes ay nagsimula nang  maging abala ang Mababang Kapulungan para sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa Hulyo 22.

Naglatag na ng rules at guidelines para sa media accreditation ang Press and Public Affairs Bureau ng Kamara.

Mahigpit ang ipapatupad na patakaran na tanging mga media accredited na magko-cover sa SONA ang makapapasok sa  palibot ng  Batasan Com-plex.

Inihahanda na ang  pagpapatupad ng seguridad  para sa SONA upang matiyak ang kaligtasan ng Pangulo at mga dadalong opisyal, dignitaries, at VIPs.

Comments are closed.