MAGSASAGAWA ng isang special meeting sa Lunes, Enero 13 ang House committee on overseas workers affairs.
Inaasahang tatalakayin sa nasabing special meeting ang kaso nang pagpatay kay overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende sa Kuwait.
Gayundin, pag-uusapan at tututukan din sa pulong ang sitwasyon ngayon ng mga OFW sa Iraq at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.
Inimbitahan sa special meeting ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). DWIZ 882