KAMARA MAY 51 COVID-19 CASES NA

Kamara

ISA na namang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, ang bagong kaso ay nasa  Bills and Index Service.

Huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong Agosto 10 hanggang 12.

Na-confine ang empleyado sa ospital dahil sa pneumonia.

Gayunman, stable naman a ang kondisyon ng empleyado.

Sinabi ni Montales na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng empleyado.

Umabot na sa kasaluyan  sa 51 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kamara, 11 pa ang aktibong kaso.

Comments are closed.