KAMATIS HALOS DOBLE ANG TAAS-PRESYO

HALOS doble ang itinaas ng presyo ng kamatis sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng supply.

Mula sa P80, ang kamatis ay mabibili na ngayon sa P140 hanggang P150 kada kilo.

Sa report ng ABS-CBN News, sa taniman ng kamatis sa Laguna ay umaabot na sa P90 hanggang P100 kada kilo ang farmgate price.

HIndi umano lahat ng magsasaka ay nagtanim ng kamatis lalo’t nalugi sila noong nakaraang taon makaraang bumagsak ang presyo nito.

Ayon kay Laguna Provincial Agriculture head Marlon Tobias, madalang ang nagtanim dahil ilang taon ding halos bumagsak ang presyo ng kamatis.

Nakaapekto rin, aniya, ang pabago-bagong klima.