MAGDARAGDAG ng mga pamilihan ang Department of Agriculture (DA) para sa mga oversupply na produkto tulad ng gulay at prutas.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ito ay bilang tulong na rin sa mga magsasakang nalulugi na dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ani Dar, kailangang magkaroon ng matatag na trading post ang pamahalaan ngayong sunod-sunod na ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Nabatid na bumagsak sa P2 hanggang P5 ang kada kilo ng kamatis habang nasa P15 hanggang P20 naman ang karot dahil sa oversupply. DWIZ 882
Comments are closed.