KAMPANYA NG REBOLUSYON SA MAYNILA

NOONG December 1896, kinilala na ng gobyernong Espanya ang tatlong pangunahing sentro ng rebellion: ang Cavite sa pamumuno nina Mariano Alvarez, Emilio Aguinaldo at iba pa; Bulacan sa pamumuno ni Mariano Llanera; at Morong (Rizal na ngayon) sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Tagumpay ang rebolusyon sa Cavite, kung saan napasai­lalim ito ng control ng mga rebelde noong September–October 1896.

Kuang sinasabi man nilang ang Cavite ay tradisyunal na kinikilalang “Puso ng Rebolusyong Pilipinas”, nalasap naman ng Maynila at mga kalapit na bayan ang ganti ng mga Espan­yol, kaya hindi na ito naging ligtas. Lumaban pa rin ang mga rebelde sa Maynila, Morong, Nueva Ecija at Pampanga sa kabila ng lahat. Mula sa Morong, si Bonifacio ang maging tactician ng mga gerilya at nag-isyu ng kautusan sa lahat ng lugar, kahit nasira ang kanyang reputasyon nang matalo ang mga pinamunuan niyang laban.

Mula September hang­gang October 1896, pinangunahan ni Bonifacio ang pagtatayo ng Katipunan sa mga kabundukan tulad ng Balara sa Marikina, Pantayanin sa Antipolo, Ugong sa Pasig at Tungko sa Bulacan. Nagtalaga si Bonifacio ng mga heneral sa mga lugar na ito, o inaprobahan ang mga napiling lider ng mga tropa.

Noong November 7, 1896, pinangunahan ni Bonifacio ang pagsalakay sa San Mateo, Marikina at Montalban. Napilitan ang mga Kastilang umurong kaya napasakamay ang mga lugar na ito sa mga rebelde, liban sa munisipyo ng San Mateo na binarikadahan ng mga sundalong Kastila.

Sinamantala naman ito ng ibang Katipunero para maglagay ng depensa sa kalapit na Ilog Nangka laban sa mga Kastilang parating na tutulong sa mga natatalong kaalyado na magmumula sa Marikina. Makaraan ang tatlong araw, nakalusot din ang mga Kastila sa Ilog Nangka kaya napilitang umurong ang tropa ni Bonifacio.

Muntik nang mamatay sa labanang ito si Bonifacio dahil pinrotektahan niya si Emilio Jacinto sa balang humaginit malapit sa kanyang leeg. — LEANNE SPHERE