KAMPANYA PARA SA KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN INILUNSAD

babae

INILUNSAD ng Gabriela at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) ang “I Vow to Fight Violence Against Women” campaign kasabay ng selebrasyon ng International Day to Eliminate Violence Against Women.

Layunin ng inisyatiba na isulong ang public vigilance at gumawa ng hakbang para wakasan ang gender-based-violence

Ito ay itinatag sa pamamagitan ng paglulunsad ng serye ng workshops, una na rito ang pagtalakay sa violence against women in the workplace.

Ayon kay Gabriela Secretary General Clarice Palce, lalong nagiging vulnerable sa karahasan ang kababaihan, lalo na ang mga mahihirap at kabataan, habang patuloy na dumarami ang walang trabaho at lumiliit ang halaga ng sahod.

Habang patuloy nilang ipinagtatanggol ang mga karapatan ng kababaihan, maglulunsad ang Gabriela ng higit pang mga workshop sa pakikipagtulungan sa iba pang grupo ng kababaihan.

Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa mga paparating na workshop ay ang proteksiyon ng mga tagapagtanggol ng karapatan at ang pagsusulong ng safe spaces para sa kababaihan. DWIZ 882