KAMPANYA PARA SA TOKYO BERTHS SISIMULAN NA NG PH BEACH VOLLEY TEAMS

Ramon Suzara

SISIMULAN na ng Philippine beach volleyball teams ang kanilang kampanya para sa Tokyo Olympic berths sa semifinals ng Asian Volleyball Confederation Continental Cup ngayong Biyernes sa Nakhom Pathom, Thailand.

Pangungunahan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, ang women’s team ay mapapalaban sa powerhouse Japan at New Zealand, habang ang men’s team ay sasagupa sa Australia, Japan, Kazakhstan at Lebanon.

Ang isa pang women’s pair nina Dij Rodriguez at Babylove Barbon, gayundin ang men’s tandems nina Jaron Requinton at James Buytrago at Jude Garcia at Anthony Arbasto ang kukumpleto sa kampanya ng Filipinas na suportado ng Philippine Sports Commission at  Philippine National Volleyball Federation (PNVF) partner Rebisco.

Nangako si Rondina, ang pinaka-eksperyensado sa koponan matapos na sumabak sa Rio 2014 qualifiers, na ituturing niya ang bawat laro na isang championship game.

“In this set up, it’s a do or die game because one win, you’re in the final, and one loss, you’re out,” ani Rondina. “This is a rare opportunity for us, facing very strong teams because we’ve been battling teams in the Southeast Asian regions.”

Nagpasalamat si Charo Soriano, ang beach volleyball commission chair ng PNVF, sa mga sumusuporta sa federation sa pag-tatangka nitong makakuha ng puwesto sa Tokyo.

“It’s really a collaborative effort among the PSC, PNVF, Rebisco, Taguig City, Ilocos Norte and all those who are supporting the sport,” sabi ni Soriano.

“I have much respect for everyone who planned, strategized and made this opportunity possible for our athletes.”

Ayon kay PNVF President Ramon ‘Tats’ Suzara, nagkuwalipika ang Filipinas para sa  Continental Cup semifinals sa bisa ng bronze medal finishes kapwa sa men’s at women’s divisions sa 2019 SEA Games.

Tanging ang No. 1 teams sa dalawang dibisyon ang uusad sa Tokyo Olympics. Nakatakda ang finals sa June 24.

Ito ang unang international competition sa volleyball magmula noong 2019 SEA Games at para rin sa PNVF magmula nang itatag ito noong Enero.

57 thoughts on “KAMPANYA PARA SA TOKYO BERTHS SISIMULAN NA NG PH BEACH VOLLEY TEAMS”

Comments are closed.