KANINO ANG 2-1? (Batang Pier, Gin Kings mag-uunahan sa paglapit sa finals) 

PBA governor Cup

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. – NorthPort vs Ginebra

TABLA ang serye sa 1-1, mag-uunahan ang Barangay Ginebra at NorthPort sa paglapit sa finals sa muli nilang paghaharap sa Game 3 ng best-of-five PBA Governors’ Cup semifinals ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Gin Kings at Batang Pier sa alas-7 ng gabi.

Nanalo ang NorthPort sa Game 1 at naitabla ng Barangay Ginebra ang serye sa 1-1 nang manaig sa Game 2, 113-88, noong Lunes ng gabi.

Nalipat ang momentum sa Barangay Ginebra na tiyak na sasamantalahin ni coach Tim Cone upang dumikit sa finals. Makakalaban ng magwa-wagi sa Batang Pier at Kings ang mananalo sa Talk ‘N Text-Meralco semis duel.

Dahil malaki ang papel na ga­gampanan ng import, tiyak na pagaganahin nang husto ni Cone si Justine Brownlee upang muling talunin si  ­Michael Qualls.Sa labanan ng coach, lamang si Cone dahil marami na siyang napanalunang  titulo habang si Pido Jarencio ay wala pa hanggang ngayon.

Sa kabila nito ay hindi dapat magkumpiyansa si Cone dahil baka masilat siyang muli tulad ng nangyari sa Game 1 kung saan tinambakan ng Batang Pier ang kanyang tropa.

Nakahandang umalalay kay Brownlee sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Jeff Chan, Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Ang opensiba ng NorthPort ay pa­ngungunahan naman nina Sean Anthony, Paolo Taha, Robert Bolick, Jonathan Grey, Juan Nicolas Elorde, Kevin Ferrer at Jervy Cruz. CLYDE MARIANO

Comments are closed.