Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7 p.m. – Magnolia vs Alaska
(Game 5, serye tabla sa 2-2)
SINO sa Alaska at Magnolia ang unang lalapit sa korona ng PBA Governors’ Cup?
Malalaman ito ngayong alas-7 ng gabi sa muling paghaharap ng Aces at Hotshots sa pivotal Game 5 ng kanilang best-of-seven titular showdown sa Araneta Coliseum.
Tabla ang serye sa 2-2 at kapwa determinado ang dalawang koponan na manalo at lumapit ng isang hakbang sa titulo.
Kinuha ng Magnolia ang unang dalawang laro at bumawi ang Alaska sa Games 3 at 4 upang itabla ang serye.
Nasa Alaska ang momentum at tiyak na sasamantalahin ito ni coach Alex Compton upang kunin ang 3-2 bentahe at lumapit sa korona. Ang Aces ay may 11 titulo sa ilalim ni coach Tim Cone, kabilang ang grandslam noong 1996, bago ito lumipat sa koponan na pag-aari ni Ramon S. Ang.
Inamin ni Compton na mataas ang morale at fighting spirit ng kanyang mga player sa panalo sa Games 3 at 4.
“The players are in high spirit and energized. We will utilize all the advantages to the hilt to inch closer to the crown. Our mission is to win the title and we will go for it,” sabi ni Compton.
Lamang ang Alaska dahil ang mga player nito ay may championships experience kumpara sa tropa ng Magnolia.
Muling magkakasubukan sina Mike Harris at Romeo Travis at tiyak na magpapatayan ang dalawang Amerikanong import para manalo ang kanilang koponan.
Makakatuwang ni Harris sina JV Casio, Simon Enciso, Chris Banchero, Kevin Racal, Vic Manuel, Chris Exciminiano, Nonoy Baclao at Sonny Thoss.
Matapos ang dalawang sunod na talo ay kailangang palakasin at painitin ni coach Chito Victolero ang kanyang mga bataan.
“We played mediocre in the last two games of the series. We have to regroup and consolidate our efforts. We cannot afford to lose this game. We will do everything to get this game at all cost,” wika ni Victolero.
“Travis has to play extra hard and deliver the needed points. He has to step up and energize his local teammates as leader of the team,” dagdag pa ni Victolero.
Nakahandang umalalay kay Travis sina Paul Lee, Marc Anthony Barroca, Jio Jalalon, Rome de la Rosa, Ian Sanglang, Rafi Reavis at Justine Melton. CLYDE MARIANO
Comments are closed.