CAMP AGUINALDO-TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sambayanang Filipino na handa silang ipatupad ang martial law (ML) sakaling ideklara ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, nilinaw ng AFP na ang kanilang pagtalima ay alinsunod sa Bill of Rights at naaayon sa konstitusyon.
Ito ang naging reaksyon ng AFP kasunod ng banta ng Pangulo sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa armadong galamay ng New People’s Army (NPA) na mapipilitan itong magdeklara ng ML kung hindi maglulubay ang CPP-NPA sa kanilang mga panggugulo lalo na ngayong panahon umiiral ang COVID-19 pandemic.
“In the event that the President declares Martial Law, we will implement it in accordance with existing laws and the provisions of the constitution. We have the wealth of experience and lessons learned in the enforcement of ML in Mindanao. We will capitalize on it,” pahayag sa media ni AFP Spokesman at Assistant J7Marine BGen. Edgard Arevalo
Ayon kayArevalo, wagas ang pag-aaalala ng Pangulo sa kalagayan ng Sambayanang Filipino na ninakawan ng CPP-NPA kahit pa ang maliit na ayudang nakukuha ng maralita.
Sinabi pa ni Arevalo na naging sukdulan ang galit ng pangulo sa mga ulat na pagpatay sa mga sundalong tutulong lamang para maiparating at maipamahagi sa taong bayan ang relief goods at mga Social Amelioration Program (SAP).
Inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon areas at ilang lugar ay nagbabala itong magdedeklara ng ML kung magpapatuloy ang karahasang ginagawa ng New People’s Army (NPA) lalo sa panahon ng COVID-19 pandemic. VERLIN RUIZ
Comments are closed.