(Kapag isinara ang Puerto Galera – DOT)P5.3-M KITA MAWAWALA KADA ARAW

HINDI bababa sa P5.3 million ang mawawalang kita kada araw kapag isinara ang Puerto Galera sa gitna ng oil spill sa Oriental Mindoro, ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.

Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Frasco na base sa provincial data, ang epekto ng oil spill sa turismo ng lalawigan ay umaabot na sa P900 million.

“The impact of the oil spill to the province in general, according to the statistics of the provincial tourism office, is no less than a little P900 million. That we perceived with great concern, especially if you add to that any losses that may incur to Puerto Galera should there be any perceptions of the oil spill having reached Puerto Galera,” paliwanag ng DOT chief.

Ayon kay Frasco, ang Puerto Galera ay isang top-rated destination sa Oriental Mindoro, na bumubuo sa 85% ng tourism economy ng lalawigan.

Ang MT Princess Empress ay may kargang 900,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito sa Oriental Mindoro noong ­February 28.