Nenet L. Villafania
ANO ang pakiramdam kapag nawala ang taong pinakamamahal mo?
Siguro, makakaranas ka ng sunud-sund na alon ng matindi at mahihirap na emosyon, mula sa kalungkutan, kahungkagan, kawalan ng pag-asa … halos wala ka nang maramdaman dahil sa matinding kalungkutan, o baka naman guilt o panghihinayang. Makakaramdam ka ng galit na hindi mo alam kung para kanino. Sa sarili mo ba? Sa ibang tao ba? Sa duktor na hindi nailigtas ang mahal mo – minsan, pati Diyos, sisisihin mo na rin. Ang sakit, di ba?
Malalim ang lungkot kapag namatay ang taong pinakamamahal mo. Actually, kadalasan, nalalaman mo lamang kung gaano mo siya kamahal apag wala na siya. Minsan kasi, hindi mo napapansin dahil nariyan lamang siya palagi sa tabi mo. Tulad nan ga ng nasabi na, malulungkot ka, magagalit, o baka hindi moa lam kung ano ang dapat mong maramdaman dahil hindi ka makapaniwala. Matagal bago maka-adjust, pero pagpasensyahan mo ang sarili mo.
Ganyan talaga. Kung may mga taong sumusuporta sa’yo, umasa ka sa kanila sandali. Wala namang masama kung maging mahina ka paminsan-minsan. Kailangan mor in ng comfort. Pero higuit sa lahat, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi gugustuhin ng nawala mong partner na parusahan mo ang iyong sarili. Hindi madali, at lalong hindi mabilis matutuhang mabuhay na mag-isa, pero wala na siya at kailangang ituloy ang buhay.
Heto ang ilang ideya kung paano ka makakaagapay sa kalungkutang dala ng pagpanaw ng iyong minamahal:
Makiramay ka sa ibang namatayan din. Honestly, napakaraming namamatay araw-araw. Ngayong nakatira ako sa Batangas, sa batangay namin, limang sunud-sunod ang namatay kamakailan lamang. Yung iba, talagang mamamatay na dahil may sakit. Yung iba, bigla na lang namatay na hindi inaasahan. Syempre, lahat sila ay kakilala dahil kapitbahay. Alam naman natin dito sa Pilipinas, lahat ng kapitbahay, kakilala. Sa pakikiramay sa kanila, hindi lang sila ang pinagaan mo ang kalooban. Tinulungan mor in ang sarili mong matanggap na hindi lag ikaw ang nawalan ng minamahal. Sabi nga nila, una-una lang yan. Ang tanong, kelan ka? Pero darating at darating ang panahong mawawala din tayo sa mundo.
Aminin mo sa iyong sarili kung ano ang nararamdaman mo. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Pakialam nilang lahat! Alam na nila kung gaano ka nasasaktan?
Sasabihin nila sa’yo, “move on.” Of course, isang araw, magmo-move on ka, pero hindi dahil sinabi nila, kundi dahil gusto mo. Bakit, sila ba ang nawalan? Sila ba ang nagdadalamhati? Kung gusto mong ngumawa na parang baka, go ahead! Kung hindi ka pa ready, huwag kang mag-move on. Take your time. Alam naman nating isang araw, gagalng din ang pusong sugatan. Sa paggaling ng sugat, hindi ibig sabihing nalimutan mo na siya o hindi mo na siya nami-miss. Ibig lang sabihin, tinanggap mong pansamantala kayong magkakalayo at kapag sumapit na ang takdang panahon, muli kayong magkikita.
Ikwento mo kung ano ang nararamdaman mo. Sasabihin nila, para kang baliw na kwento ng kwento tungkol sa isang taong namatay na. Believe it or not, yung lola ko sa mother side, madalas niyang ikwento ang anak niyang panganay na apat na dekada nang namatay, pero sa kwento niya, parang nag-abroad lang noong isang linggo. By the way, yung lola ko, 9 years old daw siya nang barilin si Dr. Jose Rizal sa Luneta. Nag-asawa siya sa edad na dose anyos, nagkaanak sa edad na 14 years old, at nabiyuda sa edad na 61. Mayroon siyang 16 na anak na isa nga doon ang nanay ko.
What I am trying t say is, yung iba, parang nababawasan ang kanilang lungkot kapag naikukwento nila ang taong mahal nil ana pumanaw na. Of course, hindi lahat ganoon. Yung sobrang depressed, ayaw pag-usapan yung namatay. E di huwag! Kung ayaw, huwag pilitin. Ibig sabihin, hindi mo pa tanggap na wala na siya. Subukan mo la lang isulat sa diary kung ano ang gusto mong sabihin. parang ganoon na rin yon. Sulatan mo siya, sabihin mo kung gaano mo siya nami-miss, gumawa ka ng tula o sumylat ka ng kanta. Isipin mong mababasa niya ang mga sinulat mo.
Ingatan ang mga alaala. May mga plano kayong gawin noong nabubuhay pa siya na hindi ninyo nagawa dahil nawala nga siya. Bakit hindi mo ituloy? Halimbawa lang, plano ninyong magbakasyon sa Thailand o kahit sa Boracay man lang. Go ahead! Do it alone or do it with your friends.
Gumawa ka ng memory album para sa kanya. Yung pamangkin kong nawalan ng kapatid, pino-photoshop yung memory photos nila at isinasama sa picture ang kuya niyang dalawang taon nang patay. A little weird, pero ganoon siya mag-cope up. Walang basagan ng trip.
Sabi sa kanta, “it takes too long, to learn to live alone.” Malalaman mo lamang na totoo yan kapag ikaw na ang nawalan.