KAPAMILYA STAR RIA ATAYDE BUSINESS MINDED

MALIBAN sa pagiging celebrity, kung saan malapit nang mapanood sa iWant ang entra eksenabagong digital comedy series na “Millennials,” very business-minded din ang daughter ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde na sa mga hindi nakaaalam ay tatlo ang hawak na negosyo.

Yes, bukod sa pinagsososyohan nilang Beaute­derm Store ni Sylvia na may dalawa nang branch ngayon sa hometown ng kanyang ina sa Butuan City at isa sa Roces Ave, Quezon City, owner na rin si Ria ng resort sa Boracay at involved din siya sa mga binebentang design t-shirts sa SM Malls.

Kwento pa ni Sylvia, bata pa lang ang anak ay masinop na ito at hindi bumibili ng mga branded na gamit kaya nakakaipon talaga. Lalo na ngayong kumikita na sa  pag-aartista ay diretso raw sa banko ang income ni Ria kaya madali raw para sa dalaga ang makapagtayo ng gusto nitong nesosyo.

SAWYER BROTHERS MAY PROMO NG LATEST SINGLE “GHOSTING”

MASAYA ang magkapatid na Kervin at Kenneth Sawyer dahil parami nang parami ang sumusuporta sa kanilang singing career at number one diyan ang controversial social media personality na si Dovie San Andres. Maliban sa kanilang publicity ay suportado rin nito ang airplay ng kanilang latest single na “Ghosting” na nauso sa showbiz dahil kina Bea Alonzo na na-ghosting ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson at Julia Barretto.

Very vocal si Dovie sa pagsabing idol niya ang Sawyer Brothers kaya’t ibibigay niya ang kanyang support sa mga ito. Magaling ding composers sina Kervin at Kenneth. Very millennial ang lyrics ng “Ghosting” na tiyak na magugustuhan ng lahat.

Sa mga gustong i-download, ang kanta ay mabibili niyo na ito sa Spotify, Itunes, Dizzer at Tik Tok. Maririnig din ang “Ghosting,” sa Pinas FM at Yes FM.

MGA WINNER SA BRGY APT SA JUAN FOR ALL NASOSORPRESA SA TUWA

TALAGANG nakakapagpa-excite ang pagtawag ni Bossing Vic Sotto sa mga nabubunot nilang winner sa studio audience araw-araw sa public service segment ng Eat Bulaga na “Barangay APT” sa Juan For All, All For Juan.

Minsan kasi naka-off yung phone ng tinatawagan, minsan naman cannot be reach, pero kadalasan, nasasagot naman si Bossing at lahat nang nagiging winner sa Brgy APT ay nasosorpresa sa tuwa.

‘Yung iba dahil hindi nila expected na sila ang mananalo ay natutulala pero, kapag in-interview na ni Bossing at ng ilang EB Dabarkads ay buong pusong nakakapagpasalamat sa Eat Bulaga at sa mga sponsor ng said segment. Sino ba naman kasi ang hindi malulula sa premyong ipinamimigay rito na umaabot ng P100K above na kinabibilangan ng iba’t ibang prizes at tulong pangkabuhayan ng EB na P60k to P70k.

Comments are closed.