CALOOCAN CITY – APAT na babae kabilang ang kapangalan ng sikat na artista na si “Jean Carcia” at kanya umanong anak na babae ang naaresto ng mga pulis habang nagtatransaksiyon ng ilegal na droga.
Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP7) head PSI Geraldson Rivera ang mga naarestong suspek na si Jean Garcia, 56, Kathryn Garcia, 36, Jenny Homboy, 43, at Genevieve Lig-Ang, 26, pawang ng Magsaysay St.. Del Rey, Sta. Quiteria, Brgy. 163.
Sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ng PCP-7 upang alamin ang reklamo mula sa isang concerned citizen hinggil sa naga-ganap umanong illegal drug trade sa kahabaan ng Magsaysay St., Del Rey, Sta. Quiteria.
Pagdating sa naturang lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na nagtatransaksiyon umano ng ilegal na droga na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, disposable lighter, timbangan at isang cellphone. EVELYN GARCIA