Standings W L
*UP 10 2
*NU 9 3
Ateneo 8 3
DLSU 5 6
AdU 5 6
UE 4 8
FEU 4 8
UST 1 10
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – UST vs UP (Men)
1 p.m. – NU vs DLSU (Men)
4:30 p.m. – Ateneo vs UE (Men)
6:30 p.m. – FEU vs AdU (Men)
SISIKAPIN ng defending champion University of the Philippines at Final Four-bound National University na makalayo sa Ateneo sa karera para sa dalawang twice-to-beat slots sa magkahiwalay na laro sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Habang pinapaboran ang Fighting Maroons na manaig sa 11 a.m. duel sa sibak nang University of Santo Tomas, ang Bulldogs ay naghahanda sa mabigat na laban kontra mapanganib na La Salle side sa 1 p.m. match.
Samantala, target ng Blue Eagles ang ika-8 sunod na Final Four berth at manatili sa top two range sa pagsagupa sa University of the East sa alas-4:30 ng hapon
Sa kabila ng pagkatalo sa kanilang huling laro na tumapos sa kanilang seven-game winning streak, tangan pa rin ng UP ang top spot na may 10-2record, kabuntot ang NU na may 9-3kartada sa ikalawang puwesto.
Nasa ikatlong puwesto ang Ateneo sa 8-3.
Asam ng Adamson at Far Eastern University na manatili sa Final Four contention sa nightcap sa alas-6:30 ng gabi.
Nananatiling mahigpit ang karera para sa huling semifinals berth kung saan tabla ang Green Archers at Falcons sa ika-4 na puwesto sa 5-6, habang ang Red Warriors at Tamaraws ay nasa joint sixth na may 4-8 kartada.