CAMP CRAME – TINANGAY ng nasa 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang amasona, ang isang barangay chairman at tatlong iba pa sa Barangay Malo, Bansud, Oriental Mindoro.
Ayon kay PNP Mimaropa Spokesperson Police Col. Socrates Faltado, alas-8:00 ng gabi noong Biyernes nang tangayin ang mga biktima.
Kinilala ang mga ito na sina Peter delos Santos, kapitan ng nasabing barangay; Raymund Malupa, residente ng Brgy. Mabuhay, Socorro; Louie Mebdinille at Ricky Capillo.
Dinukot ang apat ng mga lalaking nakasuot pa ng military uniform na kinalaunan ay nakumpirmang mga NPA rebels.
Ang mga biktima ay tinangay patungo sa Sitio Sawmill at Sitio Anaw.
Sa report na nakuha ng PNP, si Delos Santos ay kilalang supporter ni incumbent at re-electionist Mayor Angel Saulong ng munisipyo ng Bansud.
Noong Abril 4 ay nakatanggap ang kapitan ng extortion text message at pagbabanta mula sa NPA. REA SARMIENTO
Comments are closed.