KAPITAN BUKING SA ‘ECQ PASS FOR SALE’

LANAO DEL NORTE -ARESTADO ang isang barangay captain sa Marantao dahil sa pagbenta ng home quarantine pass.

Sa ulat ng Marantao Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Brgy. Mantapoli Captain Cassar Abinal.

Si Abinal ay dinakip makaraang makatanggap ng text complaint mula sa isang concerned citizen ang office of Provincial Intelligence Unit of Lanao del Sur PPO tungkol sa umano’y illegal na pagbebenta ng home quarantine pass nito.

Nang puntahan si Abinal ng mga pulis sa kanyang tanggapan, nakita nila ang isang bond paper na nakapaskil sa pader ng barangay hall kung saan nakasulat na P20  ang halaga ng home quarantine pass.

Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na libre ang home quarantine pass.

Dinala na si Abinal sa Marantao Municipal Police Station para imbestigahan at sampahan ng kaso. REA SARMIENTO

Comments are closed.