ISABELA – ISANG barangay kapitan ang inaresto matapos na magpalabas ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Efren Cacatian ng Regional Trial Court (RTC) branch 35 ng Santiago City.
Isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni P/Lt. Col Arthuro Marcelino ng CIDG, 2ND Isabela Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni P/Maj. Joel Dulin, San Isidro Police Station sa pamumuno naman ni P/Capt. Joel Bumanglag at PMFC SWAT sa pamumuno ni P/Capt. Melchor Aggabao, isinagawa ang nasabing search warrant kung saan ay napatunayan ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.
Ang inaresto ay si Barangay Kapitan Reynaldo Hope, 48, ng Barangay Gud, San Isidro, Isabela, matapos na makumpiskahan ng iba’t-ibang uri ng mga baril, bala at magazine sa pagsisilbi ng search warrant ng awtoridad.
Nakumpiskahan din si Hoe ng mga baril at mga bala. IRENE GONZALES
Comments are closed.