KARAHASAN VS MEDIA LABANAN

PAGLABAN sa karahasan sa mga mamamahayag ang panawagan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagdiriwang ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.

Ayon sa PCOO, ipinanawagan nila sa kanilang mga miyembro na gawin ang lahat para mapanagot ang mga responsable sa krimen laban sa mga mamamahayag at manggagawa sa media.

Magugunitang ni­lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 01 o ang Presidential Task Force on Media Security na may mandatong tiyakin ang kaligtasan at protektahan ang buhay ng mang­gagawa sa media. DWIZ882