QUEZON – PATAY ang isang driver habang 24 ang sugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang pampasaherong bus, tricycle, motorsiklo at trailer truck sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles, Atimonan.
Kinilala ang nasawi na si Ireneo Abayon, 58-anyos, driver ng DAF trailer truck at residente ng Brgy. Malagos District, Davao City.
Base sa report ni PMAJ Alejandro Onquit, hepe ng Atimonan-PNP, bandang alas-4:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente.
Nag-takeover umano ang bus at sinabitan ang tricycle saka diretsong sumalpok sa trailer truck habang nadamay rin ang isa pang motorsiklo na nasa gilid ng kalasada.
Dinala ang mga sugatang pasahero ng bus ng mga rumespondeng miyembro ng Bureau of Fire Protection at Atimonan Rescue Team sa Doña Martha Memorial Dist. Hospital at NSDA hospital kasama ang bus driver na si Aldin Madera, 35-anyos, ng Daet, Camarines Sur, gayundin ang mga driver ng tricycle at motorsiklo. BONG RIVERA
Comments are closed.