KARANGALAN AT KAGITINGAN SA PULIS PASAY

Manuel Taytayon Jr.

NAGBIGAY-PUGAY sa nasawing pulis Pasay sina PNP Chief DG Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office Chief (NCRPO) Director Guillermo Eleazar kahapon ng umaga.

Pasado alas-10:00 kahapon ng umaga nang personal na dumalaw sa burol sina Albayalde at Eleazar na nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ni Chief ­Inspector ­Manuel Taytayon Jr.

Binigyan ng karangalan ng Kagitingan  ang yumaong opisyal ng Pasay City Police na nasawi dahil sa pagganap sa kanyang tungkulin at ang pakiki-simpatiya ng dalawang mataas na opisyal sa pamilyang naulila ng nasawing Intelligence Chief.

Matatandaan na si Taytayon ay nasawi sa engkuwentro matapos na maunahang paputukan ng nasawi ring notoryus na kriminal na si Marc Mico Deliones na siyang pumatay sa isang grab driver nitong nakalipas na taon at matapos na mahuli at makulong sa Pasay City Jail ay tumakas at nagtago.

Nasa half-mast ang bandera ng Filipinas sa Pasay City Hall, bilang pakiki-dalamhati sa pagyao ng ma-giting na pulis na si P/Chief Inspector Manuel Taytayon Jr.   BENJARDIE REYES

Comments are closed.