NAKALIMUTAN ni Karen Davila na itinatago nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang tirahan na ibinulgar naman niya nang hindi sinasadya nang mag-post siya ng larawan nilang magkakasama kung saan ka-join pa nila si Boss Vic del Rosario na may caption na, “Kapitbahays! @matteog @justsarahgph.”
Marami kasi ang nakaaalam kung saan nakatira si Karen kaya alam na rin ng nakararami ang tirahan ng bagong kasal.
Maaaring magmula ngayon ay may mga fans ng mag-aabang sa lobby ng condo para makita sina Sarah at Matteo.
Kaya raw pala madalas na nakikita ang mag-asawa kundi sa Makati area ay sa Taguig dahil sa Makati pala sila nakatira ngayon.
May unit din daw sa nasabing condo ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff kaya maaaring pagdating nila ng Pinas kasama ang kanilang anak ay magkita-kita silang apat. Magiging neighbor rin nina Sarah at Matteo sina Anne, Erwan at ang panganay na anak nito.
ELIJAH ALEJO BINA-BASH NG MGA DDS
ELIJAH Alejo’s acting at the highest rating afternoon teleserye “Prima Donnas” is really convincing and seemingly authentic.
Marami talaga ang freak-out sa kanya to the point na kapag nakikita si Elijah in publiko, napagsasabihan siyang bawas-bawasan ang pagiging maldita at magpakabait naman sa Prima Donnas.
Honestly, she is being bashed even in her social media account. At dahil sa sobrang hate siya, may nagpost sa FB kung saan ang picture at name niya ang nakalagay, bashing both the Duterte and Marcos administration.
Sa naturang post ay sinasabing diktador at pinipigilan ni Duterte ang press freedom, just like the late dictator supposedly.
No wonder, she is being bashed because of that ruining post.
Nagpaliwanag naman si Elijah by way of posting in her socmed account na pawang paninira lang sa kanya ang mga lumalabas using her name.
Wala naman daw siyang anumang sama ng loob kay President Duterte at hindi naman niya inabot ang panahon ng mga Marcos.
Indeed, the things that one’s popularity can do!
IVANA ALAWI AT CONGRESSMAN DAN FERNANDEZ MAY RELASYON?
TALK of the town sa ngayon ang fast-spreading pictures of bombshell Ivana Alawi and First District Representative of Laguna Dan Fernandez.
Ivana has just signed last February 7 an exclusive contract with the Kapamilya network.
After barely 22 days, last February 29 to be more specific, nagsimula nang kumalat ang mga larawan nina Ivana at Dan that was taken from two different occasions.
Kuha ‘yun sa isang restaurant sa BGC, Taguig City on January 14, 2018.
“Birthday dinner” supposedly yon ni Dan na incumbent mayor pa ng Laguna that time.
Another picture was taken in a Korean restaurant in a mall in Makati City on January 21, 2018.
Lately, ipinost ng ilang netizens sa social media ang nakolekta nilang hiwalay na litrato nina Ivana at Dan from their respective Instagram accounts.
Pinaghihinalaan ng netizens na magkasama raw ang dalawa na nagbakasyon sa ibang bansa. Based ito sa parehong date stamp at places na kanilang pinuntahan.
A netizen reposted a solo picture of Ivana in Disneyland theme park in Los Angeles, California dated December 26, 2018.
In a separate Instagram post, may kuha naman si Dan sa Disneyland City Hall sa Los Angeles also last December 26, 2018.
Predictably so, nag-like si Ivana sa Instagram post na iyon ni Dan.
Hindi malinaw kung matagal nang magkakilala sina Ivana at Dan, at kung hanggang sa kasalukuyan ay may komunikasyon ang dalawa.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.