IDINISPLAY na ni Karla Estrada ang kanyang ‘mystery guy’ sa publiko. Buong ningning na nakipag-piktyuran si Karla kasama ang pinagdududahan na boyfriend niya sa second anniversary ng resto ng anak niyang si Daniel Padilla.
Kitang-kita ang spark sa mga mata ni Karla at ubod tamis ng kanyang mga ngiti sa mga naglabasang litrato niya habang nakayakap ang isang braso’t balikat niya sa bandang ibaba ng likod ni mystery guy. Inamin ni Karla na masaya ang kanyang lovelife.
Mukhang finally ay approved na kay Daniel ang mystery guy ni Karla kaya naging open na siya na ilantad ang hinuhulaang boyfriend ng isa sa “Magandang Buhay” hosts.
Ayon kay Karla, ever since naman daw ay supportive ang mga anak niya sa pakikipagrelasyon. Never naman daw kasi siyang “nagkalat.” Na baka ang ibig niyang sabihin ay kung kani-kanino na lang siya nakikipag-relasyon at nadawit sa mga eskandalo. Napaka-private raw niya pagdating sa kanyang lovelife.
In fairness to her, mukhang ngayon lang ulit nakitang may kasamang lalaki si Karla sa harap ng publiko.
Sa paglantad ng mystery guy sa buhay ni Karla, ibig kayang sabihin nito ay tanggap na ni Daniel ‘yung guy at papayag na rin kaya siya na magpakasal ang kanyang ina?
Sa huling panayam ni Daniel sa ‘Magandang Buhay’ ay umiiwas siyang mapag-usapan ang tungkol sa lovelife ng kanyang ina na si Karla. Much more kapag natatanong siya kung papayag ba siyang maikasal na si Karla sa karelasyon.
This time kaya ay napapayag na ni Karla si Daniel na magpakasal sa paglantad ng mystery guy sa buhay niya? Or nagkaroon ng ‘deal’ ang mag-ina pagdating sa usapin ng pag-ibig?
Tanda pa namin na isa sa mga wish kay Karla ng mga kaibigan at kasama niyang hosts sa “Magandang Buhay,” na napapanood tuwing umaga (8am) sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes, na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay ang maikasal na ang ina ni Daniel.
For sure, matagal nang kilala nina Jolina at Melai ang mystery guy ng nanay ni Daniel kaya ‘yan ang naging wish nila kay Momshie Karla. At malamang, isang bonggang episode ang gagawin ng “Magandang Buhay” para sa BIG REVEAL ni Karla tungkol sa kanyang mystery guy.
Kaabang-abang ‘yan sa “Magandang Buhay.” Winner tiyak ang episode na ‘yan. Pero teka, sino kaya ang mauunang ikasal? Si Daniel kaya at ang girlfriend niya na si Kathryn Bernardo o si Karla at ang kanyang mystery guy?
Nasira ang
pangalan sa
politika
KILALANG AKTOR BAGSAK-PRESYO ANG TF
BAGSAK-presyo na ang talent fee ng kilalang aktor pagkatapos masira ang kanyang pangalan sa politika. Kaya naman ang ilang independent producers ay interesado na kunin siya. Pero ang masama lang, may tsika na nanunulot daw ng project ang aktor.
Disappointed ang isang female coordinator (FC) ng producer sa aktor. Inastahan kasi ang female coordinator na mag-negotiate para sa mga sikat na lead actors para magbida sa ipro-produce na pelikula ng baguhang producer.
Supposedly, magme-meeting pa lang si FC kasama ang producer ng film sa manager at artist na kukunin nila for the project. Pero pina-cancel din agad ni produ ang meeting dahil may nakuha na raw sila na magbibida sa movie.
Si aktor na raw ang bida at siya na rin ang magdi-direk ng movie. Ang nakakalurky pa nito, bagsak-presyo raw ang hininging talent fee ni aktor sa produ bilang bida at direktor sa pelikulang gagawin nila.
Mukhang kailangan na ni aktor ang magka-project. May shino-shooting daw na isang movie ang aktor pero ang tsika ‘di na raw niya tinapos ang proyekto.
Get n’yo kung sino ‘yung aktor?
Comments are closed.