(Kasado na ngayong Marso) P0.545/kWh TAAS-SINGIL SA KORYENTE

MAY pagtaas sa singil sa koryente ngayong buwan.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), ang overall household rate nito ay tumaas ng P0.05453 per kilowatt-hour (kWh) sa P11.4348 per kWh mula sa P10.8895 per kWh noong Pebrero.

Katumbas ito ng P109 pagtaas sa total bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh.

Ang mas mataas na electricity rate ngayong buwan ay resulta ng mas mataas na generation charge na sumirit ng P0.4636 per kWH sa P7.3790 per kWh mula P6.9154 per kWh sa naunang buwan sanhi ng mas mataas na supply costs mula sa paggamit ng mas mahal na alternative fuels upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply.

Gayunman, sinabi ni Meralco head of Regulatory Management Office Jose Ronald Valles na, “this month’s generation charge increase would have been significantly higher, but we took the initiative to cushion the impact in the bills of our customers by coordinating with some of our suppliers to defer collection of portions of their generation costs.”

Ayon kay Valles, may kabuuang P1.1 billion deferred costs ang nagpababa sa generation rate ngayong buwan ng P0.40 per kWh at sisingilin ito nang utay-utay sa susunod na dalawang buwan o sa Abril at Mayo.