BALIK sa taas-presyo ang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil at Petro Gazz na ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P0.20, diesel ng P1.05, at kerosene ng P1.20.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 20, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.35, diesel ng P0.10, at kerosene ng P0.30.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 20, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.35 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P4.05 kada litro at kerosene ng P6.35 kada litro.