(Kasado na ngayong Martes) P1.20/L PRICE CUT SA DIESEL, P0.60/L SA GASOLINA

MAY malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Shell Pilipinas Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P0.60, diesel ng P1.20, at kerosene ng P1.30.

Magpapatupad ang  Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya, maliban sa Cleanfuel, na magtatapyas ng presyo sa alas-12:01 ng umaga sa parehong araw.

Noong nakaraang Martes, June 4, ay nagkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo.

Ang presyo ng gasolina ay bumaba ng P0.90 kada litro. Tumaas naman ang presyo ng diesel ng P0.60 kada litro at kerosene ng P0.80 kada litro.

Hanggang June 4, 2024, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng  P6.65 at diesel ng   P5.45, habang ang sa kerosene ay bumaba ng P0.25 kada litro ngayong taon.