MAY dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na bababa ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.20 habang tataas ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.75, at kerosene ng P0.50.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang dagdag-bawas sa alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-4 ng hapon sa kaparehong araw.
Noong nakaraang Martes, Hulyo 4, ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay bumaba ng P0.70, at kerosene ng P0.85.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hulyo 4, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.85 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P3.70 kada litro at kerosene ng P6.00 kada litro.