MAY dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P2.00, habang ang kerosene ay tatapyasan ng P0.50.
Tataas naman ang presyo ng diesel ng P0.40 kada litro.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.
Noong Martes, Setyembre 26, ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay bumaba ng P0.20 habang nasa P0.50 kada litro naman ang rolbak sa presyo ng kerosene.
Sa datos ng DOE, hanggang Setyembre 26, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P17. 30 kada litro, diesel ng P13.40 at kerosene ng P9.44 kada litro.